Abante Tonite Interactive

2 galamay ng Marawi drug syndicate nahuli sa QC

By
2,105

Dalawang babaeng miyembro umano ng ‘drug ring’ sa Marawi City ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa compound ng isang mall sa Novaliches, Quezon City nitong umaga ng Sabado.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang mga nadakip na sina Mongcao Basaula Sabino at Saima Diambangan Mipandang, kapwa residente ng Marawi City.

Ang dalawa ay naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng PDEA Special Enforcement Service at ARMM regional office sa isang parking lot ng mall sa Novaliches.

Nabatid sa PDEA na ang dalawang nahuling suspek ay miyembro ng ‘drug ring’ na nakabase sa Marawi City at magdedeliber sana dito sa Metro ­Manila ng iligal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na pakete na naglalaman ng 500 gramo at nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

Ayon naman sa mga suspek, napag-utusan lamang sila ng isang kaibigan mula sa Marawi City na ideliber ang naturang shabu package sa mall.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.