Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 gun dealer todas sa buy-bust

0 118

Patay ang dalawang gunrunner matapos na makipagpalitan ng ng putok sa Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Pililia, Rizal.

Kinilala ang isa sa nasawing suspek na si Jake Pingal habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito na nasawi sa operasyon sa Sitio Kawayan farm, Brgy. Halayhayin, alas-3:15 Miyerkoles ng madaling-araw

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang police poseur buyer ang kumontak sa mga suspek at nagkasundong magkita sa nabatid na lugar. Dumating ang mga ito sakay ng isang motorsiklo at matapos na magkapalitan ng kalibre .45 at P30,000 ay inihudyat ng poseur buyer ang pag-aresto sa mga ito subalit imbes na sumuko nang maayos ay nakipagpalitan pa ng putok ang mga suspek dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Ayon Kay Banawagan, maliban sa iligal na pagbebenta ng mga armas, sangkot din ang mga suspek sa iba pang krimen tulad ng kidnapping, robbery hold-up, gun-for-hire, at carnapping.

Leave A Reply

Your email address will not be published.