Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 gunrunner laglag sa buy-bust

0 53

Arestado ang dalawang gunrunners nang makumpiskahan ng matataas na kalibre ng mga baril at mga bala sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Danilo P Macerin, ang mga suspek na sina Rosales Samson Jr, 59, welder, at Omas Bernardino, 58, kapwa taga-Brgy. Sauyo, Novaliches, ay naaresto alas-5:15 ng hapon (February 18), sa kanilang hideout.

SM food to go Banner Ad

Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang Crime Research Analysis Section (CRAS) na pinamumunuan ni P/Capt. Allan Dela Cruz kaugnay sa pagbebenta at distribusyon ng mga high powered firearms ng mga suspek kaya ikinasa ang buy-bust operation.

Nakumpiska sa mga ito ang (1) Bushmaster caliber 5.56mm assault rifle, (1) Cobray Ingram MII Cal.9mm submachine gun, 58 piraso ng mga bala ng Caliber 5.56mm, (2) magazines ng Cobray Ingram submachine gun, 91 white box na naglalaman ng 50 piraso bala ng caliber 9mm, (5) magazines para sa caliber 5.56mm, (1) silencer ng UZI submachine gun, at buy-bust money. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.