Abante Tonite Interactive

2 gusali sa QC Hall of Justice ini-lockdown

0 255

Matapos mapaulat na may namatay COVID positive na empleyado, isinailalim sa lockdown ang dalawang gusali ng Quezon City Hall of Justice nitong Lunes, Mayo 18.

Sa utos ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert, Executive Judge ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC), walang sinuman ang maaaring payagang makapasok sa gusali ng Hall of Justice hanggat walang abiso ng korte.

Ang pagsasailalim sa lockdown ng mga tanggapan ng korte ay batay na rin sa Court Circular na inilabas ni Court administrator Jose Maidas Marquez.

Pero ayon kay Judge Villavert, walang katotohanang empleyado ng korte ang namatay sa COVID-19 taliwas sa mga kumakalat na balita.

Mayroon aniyang namatay noong nakaraang linggo ngunit hindi ito empleyado ng korte at ang severe pneumonia ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad