Abante Tonite Interactive

2 Hashtags na nakabuntis ayaw pang umamin

By
2,021

TALK of the town pa ang dalawang Hashtags members na umano’y naka­buntis. Kanya-kanya pa ring hula kung sino sila.

Ang Hashtags ay napapanood tuwing tanghali sa It’s Showtime ng ABS-CBN 2.

Mga lalaki naman sila kaya walang problema. Kung hindi naman bongga ang career ng dalawang Hashtags members carry nang magpamilya sila. Actually, hindi naman ito naging hadlang sa career ni Hashtag Nikko Natividad nu’ng umaming may anak na.

Kung sina McCoy de Leon, Jame­son Blake o Ronnie Alonte ‘yan ay manghihinayang ka dahil maganda ang takbo ng career nila ngayon, di ba? Hindi pa right time na malagay sa ganyang situwasyon.

Sobrang bata pa rin ni Bugoy Cariñ­o para mambuntis ng girl.

Pero kung ito’y sina Jimboy Martin, Wilbert Ross, Maru Delgado, CK Kieron­, Daniel “Kid” Yambao, Ray Carreon, Vito “VJ” Marquez, Tom Doromal, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, at Luke Conde, okey na rin siguro. Huwag nang gawing big deal! Ganoon talaga, eh, mga guwapo sila at napapaanood sa TV kaya maraming girls ang gustong tumihaya.

‘Yun na!

***

Karylle at Marian hindi nag-isnaban

HINDI bayolante ang muling pagkikita nina Marian Rivera at Karylle. Dumating na ang tamang panahon na nagtagpo sila sa isang event at nagbatian. Tama rin naman na hindi sila mag-isnaban dahil may kanya-kanya na silang buhay.

Matatandaan na sinisisi noon si Yan sa paghihiwalay nina Dingdong Dantes at Karylle.

Pero iginigiit ng Kapuso Primetime Queen na wala talaga silang problema ni Karylle since day one.

***

Olivia de Jesus bagong COO ng ABS-CBN Global

IN-APPOINT ng ABS-CBN si Olivia de Jesus bilang bagong Chief Operating Officer ng ABS-CBN Global Ltd., na siyang nangangasiwa sa lahat ng international subsidiaries ng Kapamilya Network, kabilang na riyan ang global flagship brand ng istasyon na The Filipino Channel.

Siya ang nahirang na pumalit kay Rafael Lopez na nagretiro na kamakailan, pero patuloy pa rin itong magiging parte ng company bilang Executive Adviser to the President and CEO of ABS-CBN Corporation.

Bilang COO, responsibilidad niya na palaguin ang global business. She will drive strategy formulation and establish initiatives to expand the company’s product lines and markets.

Under her leadership, cross-functional teams launched successful initiatives that have been adopted global-wide such as TFC@theMovies, One Kapamilya Go event, Lifestyle Network Global, Myx TV, Adobo Nation among others.

Kamakailan, pinamahalaan din niya ang development ng innovative content para sa emerging global Filipino millennial market through pro­jects such as TFCU Talks, the reality travel show, “Discovering Routes” at ang matagumpay na “1st Cinematografo International Film Festival” sa San Francisco.

Congrats Ms. Olivia.

***

Bianca at Kyline nagkakasakitan sa taping ng Kambal, Karibal

TRUE ba na may tensyong namamagitan ngayon sa taping ng Kambal, Karibal dahil kina Bianca Umali at Kyline Alcantara?

Marami ang nagtatanong kung totoo raw bang nagkakasakitan sa taping ng Kambal, Karibal sina Bianca Umali at Kyline Alcantara. Tila totoo raw kasi ang mga sampal at sabunot na binibigay ng dalawa sa isa’t isa tuwing­ mabibigat ang mga eksena

Itinanggi nila ang isyung ito. Ayon kay Bianca, sinabing bago sila mag-umpisa, pinag-uusapan nilang mabuti ang ‘sakitan blues’ sa sampalan o sabunot scene sa Kambal, Karibal ng GMA 7.