Abante Tonite Interactive

2 Hashtags na nakabuntis tsugi

By
10,368

Balitang tsinugi umano ang dalawang miyembro ng Hashtags na napabalitang nakabuntis.

How true na nauna nang tinanggal ‘yung Hashtag na galing sa batch 1? Dancer daw ang natesbun niya.

Kahit mawala siya sa grupo ay nagkakaroon naman siya ng mga proyekto na solo. Marunong kasing umarte ang young actor na ito.

Abante Hiring – IT dep

Next week ay matatanggal na rin daw ‘yung nasa batch 2 na nakabuntis. Kilalang estudyante raw sa UST ang girl.

Malungkot ang kampo ng batang aktor dahil kailangan niya ng trabaho. Sana raw ay dinenay na lang niyang nakabuntis siya kung sisibakin din ito.

Pero wala silang magagawa dahil management decision na tanggalin sa grupo ang dalawa. Hindi raw ito desisyon ng production ng ‘It’s Showtime’.

Pero kinukuwestiyon nila kung bakit daw si Nikko Natividad ay hindi tinanggal nu’ng umamin itong may anak?

Ayon sa source, pagdisiplina rin ito sa Hashtags para ‘di pamarisan at iwasang maging mapusok.