Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 hitman tinuluyan ng target nila

0 94

Nakaligtas sa pananambang ang isang pro­fessor ng Mindanao State University (MSU) kung saan napatay niya ang riding in tandem na mga suspek na planong pu­matay sa kanya, Martes ng hapon, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Ayon kay Police Lt. Col. Rommel Dela Vega, hepe ng Datu Odin Sin­suat Municipal Police Station (MPS), nagtamo ng isang tama ng bala sa tiyan ang biktimang si Daud Kadon, professor ng MSU-Maguindanao habang napatay nito ang dalawang suspek na na­kilala base sa nakuhang ID sa kanila na sina Mo­natanao Silungan Usman at Abdul Ambel Mama, residente ng bayan ng Talitay at Datu Odin Sin­suat.

Base sa pulisya, na­ganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Kurintem.

Nabatid na pauwi na ang biktima lulan ng kanyang Toyota For­tuner nang sundan ng mga suspek sakay naman ng motorsiklo at nang makakuha ng tiyempo ay pinaputukan ang guro.

Bagama’t sugatan ay nakuhang makabunot ng kanyang baril si Kadon at gumanti ng putok sa mga suspek.

Nagkaroon ng maikling habulan at barilan hanggang sa tumum­ba ang mga suspek sa kanilang motorsiklo nang masapol ni Kadon.

Dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima at mga suspek subalit idineklarang dead on ar­rival ang dalawang sala­rin habang kasalukuyang nagpapagaling ang guro.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbesti­gasyon ng pulisya hing­gil sa insidente upang malaman kung sino ang pasimuno sa bigong pa­nanambang sa biktima. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.