Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 holdaper laglag sa pulis

0 334

Aresto ng nagpapatrolyang pulis ang dalawang hinihinalang holdaper na nanutok ng baril at nangholdap sa isang lalaki sa Taguig City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Alterado, 22; at Pyramid Andrino, kapwa ng Brgy. Napindan. Sa ulat, nagpapatrolya si Cpt. Felicito Solano ng Taguig City Police nang marinig ang sigaw ni Joseph Eco Cruz, 23, nang holdapin sa bahagi ng C-6 Road, Brgy. Napindan alas-8:15 ng gabi.

Agad na rumesponde ang pulis at kasama nito hanggang maabutan ang dalawang suspek. Naibalik sa biktima ang kanyang sling bag na naglalaman ng isang cellphone na nagkakahalaga ng P18,000, iba’t ibang identification cards, at wallet na may P1,088.00 cash. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.