Abante Tonite Interactive

2 holdup suspect patay sa tulay

106

Bumulagta ang dala­wang lalaking hinihina­lang holdaper matapos na sitahin ng mga nagpapatrulyang miyembro ng Manila Police District-Station 3 nang manlaban sa ibabaw ng Altura Bridge sa Sampaloc kamakalawa ng gabi.

Narekober mula sa hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang caliber .38 revolver, isang fan knife at tatlong sachet ng shabu.

“Tumalon kasi sila sa gitna ng center island kaya sinita namin. Marami kasing mga holdaper na nambibiktima sa lugar, pero pagbaba ko sa sasakyan para sitahin lang sana bigla na lang namaril ‘yung malaki, kaya pinaputukan ko na rin at ng mga kasama ko,” ayon kay PO1 Aldrich Aglaua.

“Nung bumagsak yung malaki nalaglag yung baril niya tapos dinampot pa nung kasama niya, kaya pinu­tukan na rin namin, sana kung huminto na lang siya hindi namin babarilin,” pahayag naman ni PO1 Judel Gonzales.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente pasa­do alas-10:00 ng gabi.