Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 hubad na bangkay tinapon sa creek

0 77

Dalawang bangkay, isang babae at isang lalaki, na hinihinalang biktima ng salvage ang itinapon sa creek sa Eco Tourism Road Brgy. Guis- Guis Talon, Sariaya, Quezon Biyernes ng tanghali.

Ayon sa report ng Sariaya police, nadiskubre ng ilang nagdaraan ang bangkay na nasa creek sa gilid ng highway dakong alas-2:00 ng hapon.

Mga nakahubad ang bangkay at nakasuot lamang ng underwear.

Ayon sa pulisya, nakabalot ng packaging tape ang ulo ng mga biktima at nakagapos ang kanilang mga paa at kamay. May mga tama din ang mga ito ng bala ng baril.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril.

Nakitaan din ng mga sugat sa katawan ang dalawang biktima na palatandaang sinakal din ang mga ito.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.