Abante Tonite Interactive

2 huli sa NE buy-bust

By
410

Isang ginang at isang vendor ang kapwa nasakote sa magkasunod na anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija noong Sabado.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Abraham Atencio na ipinadala sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tan­ding, NE police director, nakilala ang mga naaresto na sina Melinda Yu Mansilungan, 47, residente ng Purok 3, at si Joel De Vera Espinoza, 47, residente ng Purok 2, kapwa sa Brgy. Baloc, Sto. Domingo.

Nagsagawa ng buy-bust ang team ni P/Sr. Inspector Victor Ricafort kontra kay Mansilungan na nakunan ng dalawang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Dalawang sachet din ng shabu ang nakumpiska kay Espinoza, nang bentahan ang isang police posuer buyer.

Kapwa umano matagal nang tinugaygayan ng pulisya ang dalawang drug personality na kapwa kinasuhan ng paglabag sa Section 5, 11 at 12, Art 2 ng Rep. Act 9165.