Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 idol group member sa Japan, COVID-positive

0 222

sdc

Sapul ng coronavirus ang dalawang miyembro ng isang idol group sa Japan, matapos nilang magtanghal sa isang musical.

Ayon sa agency ng H5, COVID-19 positive ang mga kasaping sina Honey, 36, at K, 35.

Binubuo ang naturang grupo nina Honey, K, Ren, at Doha.

Ayon sa talent label, inabisuhan sina Honey, K at Ren na magpa-test sa COVID-19 matapos mapag-alamang positibo sa COVID-19 ang nasa 30 na audience member at staff ng isang teatro sa Tokyo.

Kabilang ang tatlo sa mga cast member ng musical ‘The Jinro – Who Is the Flower Boy Wolf Idol?’ na nagtanghal sa naturang Tokyo.

Sa tatlo, nagpositibo sa COVID-19 sina Honey at K.

Sa ngayon, nananatili si Honey sa isang quarantine facility, habang naka-home quarantine naman si K.

Nagho-home quarantine din umano si Ren kahit pa nagnegatibo ito sa coronavirus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.