Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 illegal logger tiklo sa troso buy-bust

0 62

Dalawang illegal logger ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Norzagaray Police, Anti-illegal Task Force Luzon at 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company sa ikinasang buy-bust operation ng trosong iligal na pinutol sa kagubatang sakop ng Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, ang naarestong sina Jennifer Sarandona at Renato Patulot, kapwa nakatira sa Ippo Road, Brgy. San Mateo. Kapwa nakakulong ang dalawa ngayon sa Norzagaray Municipal Police Station at nahaharap sa kasong kriminal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na dakong alas-11:50, Linggo ng gabi nang magkasa ng buy-bust ang mga awto­ridad matapos makatanggap ng impormas­yon na ang dalawa ay kabilang sa illegal loggers na kumikilos sa Sierra Madre mountains.

Ikinasa ang anti-illegal logging operation sa Ippo Dam Gate sa Brgy. San Mateo kung saan tinanggap ng dalawang suspek ang P1,000 marked money at 67 piraso ng boodle money kapalit ng biniling illegal logs. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.