Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 imported palaman hinarbat sa supermarket

0 140

Buking ang pagpuslit ng imported na palaman ng isang merchandiser sa loob ng pinagtatrabahuang imported grocery store sa Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si John Irvin Saysay y Ibarrientos, 30, merchandizer- sub-contract ng Manpower for Advertising Services, Inc at taga-Rizal province.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng Eastern Police District mula sa Mandaluyong Police Station, inaresto ang suspek sa loob ng S n R Membership Shopping sa Shaw Blvd, Mandaluyong City matapos kasuhan ni Herwin Calonge y Custodio, 42, OIC-Internal security ng nasabing shopping mall nang mahuli ni Mary Jean Delos Reyes, 42, lady guard, ang suspek na may nakatagong 2 bote ng Nutella na P798.00 ang halaga sa kanyang bag. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.