Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 jeep inararo ng trak sa SLEX, 3 dedo

0 36

Tatlo ang nasawi matapos araruhin ng isang trailer truck ang dalawang service jeepney na nakatigil sa northbound lane ng SLEX sa Cabuyao, Laguna, Huwebes ng madaling-araw.

Batay sa report ng Regional Highway Pa­trol Unit-IV A, na-flat ang unang cargo jeep na minamaneho ni Jo­seph Agdan, residente ng Rosario, Batangas, kaya napahinto ito sa lane 3 ng SLEX bandang alas-2:50 kahapon ng madaling-araw.

Agad namang ina­sistehan ito ng ka-convoy nitong isa pang jeep na minamaneho ni Lim­uel Rosales, 31-anyos, na mula rin sa Rosario, Batangas, at tumigil sa shoulder lane sa unahan ng nasiraang jeep.

Subalit dahil nasa gitna, hindi ito agad na­pansin ng paparating na tractor head trailer truck na minamaneho ni David Caquilala at nasalpok sa hulihang bahagi.

SM food to go Banner Ad

Sa lakas ng impact, naitulak ito papunta sa isang jeep.

Parehong nasugatan ang dalawang driver at kapwa isinugod sa Calamba City Medical Hospital subalit idinekla­rang dead on arrival si Agdan.

Nasawi rin ang dala­wang pahinante ng jeep na sina Marco Rosales at Michael Mendoza.

Samantala, nasa kustodiya ng Calamba City Police si Caquilala at nakatakdang sampa­han ng kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.