Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Johnson dagdag sa sungay ng Bulls

0 38

Nagpuno na ng roster ang Chicago Bulls bago magsimula ang training camp para sa 2021-22 NBA season.

Dalawang bigs na Johnson ang kinuha ng team.

Unang inireport ni Shams Charania ng The Athletic Lunes na pinapirma na si free agent Stanley Johnson.

Nasa Toronto Raptors si Johnson sa nakalipas na dalawang seasons matapos tapikin ng Detroit Pistons noong 2015.

SM food to go Banner Ad

Noong isang taon, iniskoran ni Johnson ng career-high 35 ang Bulls. Kumalawit pa siya ng 10 rebounds sa larong ‘yun.

Sunod ay iniulat ni Adrian Wojnarowski na naikahon na rin ng Chicago si power forward Alize Johnson Jr. sa two-year, $3.6M deal. Naka-18 games siya sa Brooklyn noong nakaraang season, nag-average ng 5.2 points at 5 rebounds.

Sa pagdating ng dalawang Johnson, lumalim sa power forward ang Bulls. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.