Abante Tonite Interactive

2 kalaro ng anak ni-rape ng call center agent

736

Arestado ang isang call center agent nang ireklamo umano ng panggagahasa ng magkapatid na kalaro ng kanyang anak sa Mandaluyong City kahapon.

Base sa report na natanggap ni Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Christopher Tambungan, ang suspect ay si Earl, 41-anyos, residente ng Tondo, Manila.

Si Earl ay inaresto ng mga tauhan District Special Operations Unit ng EPD sa pamumuno ni P/Maj. Darwin Guerrero sa follow-up operation dakong alas-9:05 nang umaga kahapon sa pinagtatrabahuhan niyang call center company sa Mandaluyong City.

Ayon kay Guerrero, si Earl ay dinakip sa bisa ng arrest warrant na inisyu noong August 16, 2018 dahil sa kasong Rape.

Sa imbestigasyon, halinhinan umanong ginahasa ng suspect ang magkapatid na biktima, na nasa 9 at 4-anyos noong Enero 18, 2018.

Sa report, dati umanong kapitbahay ng mga biktima sa Mandaluyong City ang suspect, at kalaro pa ng mga ito ang anak na babae ng salarin.

Sinasabing isinasagawa ng suspect ang kahalayan sa mga paslit sa tuwing lasing ito at sila lamang sa kanilang tahanan.

Nabatid na ang ama ng mga biktima ang naghain ng kaso
nang matuklasan ang ginawa ng suspek sa kanyang mga anak.

Nagkaroon umano ng probationary dismissal ang kaso nang hindi makadalo ang complainant sa ilang hearing nito, ngunit nakapaghain naman ang ama ng motion to revive the case na inaprubahan ng hukuman.

Dito na rin nag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban kay Rivera, na mariin namang itinatanggi ang akusasyon laban sa kanya. (Armida Rico)