Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 karnaper todas sa QC shootout

0 77

Patay ang dalawang hinihinalang karnaper nang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Bago ang engkuwentro, isang lalaki ang nagpasaklolo sa mga awtoridad nang agawin umano ang kanyang motorsiklo sa Barangay San Bartolome, Sabado ng gabi.

Ayon sa biktima, pagkasakay niya sa motorsiklo ay tinutukan siya ng baril ng mga suspek at pinababa sabay sibat tangay ang kanyang sasakyan.

Ayon kay PLt. Mann Erik Felipe, PCP 2 Commander ng Novaliches Police Station, agad silang nagsagawa ng dragnet operation at nang makita ang motorsiklo, sinita nila ang drayber ngunit hindi umano ito huminto.

Hinabol ang mga suspek hanggang sa nakorner sa Austria Street. Sa halip na sumuko, pinaputukan ng baril ang mga pulis kaya gumanti na rin sila ng putok hanggang sa bumulagta ang mga suspek.

Positibo namang itinuro ng biktima ang ninakaw na motorsiklo nitong sinakyan ng mga suspek na nasamsam ang dalawang baril at sachet ng shabu. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.