Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kasambahay walang selfie sa female personality

0 599

Pangarap ng mga kababayan nating naninirahan sa malalayong probinsiya ang personal na makakita ng mga artista. Kaligayahan na nila ‘yun.

May mga kababaihang nangangarap din na makapaglingkod sa tahanan ng mga artistang paborito nila, meron pa ngang pumapayag nang libre lang, basta makasama lang sa isang bubong ang kanilang idolo.

May nakakalokang kuwento ang aming impormante tungkol sa mga naging kasambahay ng isang kilalang female personality. Magpinsan ang mga ito, paborito nila ang popular na aktres dahil nasubaybayan nila ang mga pinagbidahang serye ng kanilang idolo sa isang network.

Unang kuwento ng aming source, “Heto na, lumuwas sila, mga kaibigan nila ang nag-recruit sa magpinsan na maging kasambahay sa poder ng iniidolo nilang female personality.

“Sabik na sabik ang magpinsan, ang una nilang plano, e, ang makapagpa-picture sa tabi ng idolo nila, ipagmamalaki nila ‘yun sa mga kaibigan nila sa probinsiya!” buwena-manong kuwento ng aming source.

Pero nakakatatlong araw na ang magpinsang kasambahay sa tahanan ng female personality ay hindi pa rin siya nagpapakita, palagi lang siyang nakakulong sa kuwarto, boses lang niya sa intercom ang naririnig ng mga kasambahay.

Patuloy ng aming source, “Nakalimutang sabihin sa kanila ng recruiter na ibang-iba na nga pala ang mundo ngayon ng female personality. Hindi na siya active sa pag-arte, wala siyang ginagawang kahit anong trabaho, palagi lang siya sa bahay.

“Nagtatanungan ang magpinsang kasambahay, bakit ganu’n, bumibilang na sila nang maraming araw sa bahay ng idolo nila, pero hindi pa rin daw nila nakikita?

“Paano na ang pakikipag-selfie nila, palaging nauunsiyami, dahil kahit anino lang ng idolo nila, e, hindi naman nila nakikita? Isang araw, lumabas sa kuwarto niya ang girl, may pupuntahan kuno, kaya naglapitan sa kanya ang magpinsang maid-of-cotton.

“Pero patalikod na siya, pasakay na sa van, kaya hindi gaanong natitigan ng magpinsan. Parang aparisyon lang ang nakita nila, saglit na saglit lang, hindi man lang sila tiningnan!

SM food to go Banner Ad

“Alam n’yo bang umalis ang magpinsang kasambahay nang hindi man lang nila nakaharap ang idolo nila? Dalawang buwan sila sa bahay ng female personality, pero puro boses lang niya sa intercom ang naririnig ng magpinsan!

“True, palagi lang siya sa kuwarto, pinupuntahan lang siya du’n ng mga anak niya kapag may kailangang sabihin, hanggang du’n lang ‘yun!

“Kung ano ang maghapon at magdamag niyang pinagkakaabalahan sa kuwarto niya, e, walang nakakaalam, basta nandu’n lang siya, masarap ba siyang paluin ng bareta ng sabon?” napapailing na pagtatapos ng aming souce.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sharon Malacañang ang peg ng masyon

Pinamangha ng Megastar ang ating mga kababayan nang lumabas ang animation video ng ipinatatayo niyang mansiyon. Parang Malacañang daw ang peg ng mansiyon, bagay na bagay sa isang Sharon Cuneta, grabe lang ang nasabi ng lahat ng nakapanood sa kanyang IG.

‘Yun ang mansiyon na unang tinutukan ang pundasyon, mahabang panahon ang kinain ng paghuhukay, para ligtas sa lindol ang buong gusali.

Si Conrad Onglao na karelasyon ni Zsa-Zsa Padilla ang kanyang arkitekto, parang tatlong gusali ‘yun na pinagdugtung-dugtong, may sariling wing si Sharon kung saan niya ilalagay ang mahahalagang kagamitan niya na hanggang ngayo’y maingat niyang itinatabi.

At napakasuwerte ng mga alagang aso nina Senador Kiko at Sharon dahil kasali ang mga ito sa “housing project” ng mag-asawa. Meron silang sariling bahay na naka-aircon, meron din silang swimming pool, kaya ang komento ng mga kababayan natin—sana all.

Madalas naming sabihin na kapag mapagmahal sa mga hayup ang tao ay mas kaya niyang magmahal ng kanyang kapwa. Hindi na namin pakahahabaan pa ang paliwanag pero ‘yun si Sharon Cuneta, tinatrato niyang tao ang mga alaga nilang aso, at ‘yun ang nagpapatunay kung ano siya bilang tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.