Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 katao, bahay nabaon sa landslide

0 102

Dalawang residente ang iniulat na nawawala makaraang gumuho ang lupa sa Diwalwal sa Monkayo, Davao de Oro, nitong Lunes ng hapon.

Bandang alas-5:55 ng hapon nitong Marso 1, sa video ni Alden Magdara, ay takot na takot na nagtatakbuhan ang mga residente habang gumuguho ang lupa sa isang bahagi ng bundok sa Purok 21 at 22 sa Diwalwal.

Batay sa inisyal na report ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Alicia Cabunoc, isang bahay ang bumagsak sa pagguho at dalawang residente ang pinangangambahang natabunan ng lupa.

Paliwanag ni Cabunoc, posibleng dahil sa malalakas na pag-ulan sa nagdaang bagyong Auring at ang isinasagawang ‘road concreting’ ang dahilan ng pagguho ng lupa sa lugar.

Nabatid sa ulat ng Mines and Geosciences Bureau, matagal nang idineklarang ‘landslide-prone’ ang lugar kaya pinalilikas na ng lokal na pamahalaan ang mga residente doon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.