Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kawatan nabitag sa bahay

0 156

Nakorner ng mga operatiba ng Que­zon City Police District (QCPD) ang dalawang robbery hold-up suspect na nambiktima ng isang babae sa Quezon City, sa isang hot pursuit op­eration na ikinasa nila sa Maynila.

Kinilala ni P/Maj. Elmer Monsalve, hepe ng QCPD-Criminal In­vestigation and Detec­tion Unit (CIDU), ang mga naarestong suspek na sina John Michael Pamintuan, 18, ng Sulu St., Sta. Cruz, Manila at Herron Lalik, 24, ng Legarda St., Sampaloc, Manila.

Batay sa naantalang ulat ng QCPD, dakong alas-otso Oktubre 15 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng CIDU at Pasong Putik Police Sta­tion (PS-16) ang mga suspek.

Nag-ugat ang pag-aresto nang umano’y holdapin ng dalawa ang isang babae sa tapat ng isang gasolinahan sa Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Quezon City, dakong ala-una ng hapon ng nasabi ring petsa.

Nag-aabang lamang umano ng masasakyang dyip ang biktima nang bigla siyang hintuan ng mga suspek na mag­kaangkas sa isang itim na Yamaha NMAX.

Bumaba umano ang backrider at saka tinu­tukan ng baril ang bik­tima bago tinangay ang kanyang mga mahahala­gang gamit at saka ma­bilis na tumakas.

Nagtungo ang bikti­ma sa CIDU at nagrekla­mo, kung saan nakilala niya si Pamintuan na siyang nangholdap sa kanya sa pamamagitan ng E-Rogues Gallery ng mga awtoridad.

Agad namang nag­kasa ng hot pursuit operation ang mga awto­ridad dakong alas-otso ng gabi at naispatan si Pamintuan sa kanyang tahanan sa Sta. Cruz.

Umamin naman uma­no si Pamintuan sa kri­men at ikinanta ang kinaroroonan ng kanyang kasabwat na si Lalik, na naaresto rin ng mga awtoridad sa kanyang tahanan sa Sampaloc. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.