Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kawatan ng kable timbog

0 35

Kalaboso ang dalawang lalaki na tirador umano ng mga kable ng internet at komunikasyon makaraang mahuli sa akto ng isang security guard sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong theft ang mga nasakoteng suspek na sina Jayson Morales, 23-anyos, naninirahan sa Barangay Potrero at Romy Diaz, 19, ng Barangay Catmon ng lungsod.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang pasukin ng mga kawatan ang GIC Compound sa kahabaan ng Governor Pascual Ave­nue, Barangay Potrero, Malabon City, na kinaroroonan ng isang malaking telecommunications company.

SM food to go Banner Ad

Sa pamamagitan ng lagare ay pinutol umano nina Morales at Diaz ang kable sa itaas ng poste na halos 400 metro ang haba saka isinakay sa dala nilang pedicab.

Nakita ng security guard na si Jacky Baltung ang mga suspek kaya tumawag ito ng barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawa.

Nasamsam umano sa mga suspek ang mga kable na nasa P70,107 ang halaga, pedicab, lagare at hagdanan na ginamit sa pag-akyat. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.