Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kawatan sa 7-Eleven nasakote

0 66

Naaresto na ang dalawang lalaki na suspek sa nakawang nangyari sa isang 7-Eleven branch sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District director Brig. Gen. Remus Medina, ang mga suspek na sina Carlo Pangilinan, 49, at Michael John Divino, 51, parehong nakatira sa nasabing lungsod.

Sa report kay Galas Police Station 11 chief Lt. Col. Richard Ian Ang, dakong alas-dos nang madaling-araw noong Mayo 22 nang pasukin ng mga suspek ang storage room ng naturang convenience store na matatagpuan sa Mabini Street sa Barangay Doña Aurora.

SM food to go Banner Ad

Tinangay ng mga suspek ang dalawang Konzert speaker, isang mega storage organizing plastic box at isang Hedgren laptop bag at isinakay sa isang taxi.

Nadiskubre ng store manager na si John Cycrus Ones ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon noong Mayo 24 nang kanyang silipin ang mga footage sa kanilang CCTV at ini-report ito sa Galas Police Station 11.

Arestado sa follow-up operation ang dalawang suspek at nakumpiska rin sa kanila ang isang Apple Macbook Pro, Konzert Amplifier at mikropono, isang kumpletong set ng Samsung Audio sound system, iba’t ibang klase ng alak, isang Rustan’s gift item, dalawang Nike shoes at isang HJC full face helmet.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.