Abante Tonite Interactive

2 kelot kinatay sa tricycle

406

Dalawang lalaki ang kinatay na parang baboy at natagpuan sa loob ng isang tricycle na nakaparada sa national highway sakop ng Barangay Sta. Cruz, Puerto Princesa City Linggo nang umaga.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Henry Gazo Jr. at Ivan Ombion, pawang residente ng Brgy. Sta. Monica sa nasabing lungsod.

Ayon kay P/Col. Aries Faltado, tagapagsalita ng Police Regional Office 4-B o MIMAROPA region, parehong may laslas sa leeg at mga bakas na pinahirapan muna bago pinatay ang mga biktima habang nakatali ang mga paa at kamay ng mga ito ng matagpuan sa kulay orange na tricycle na may plakang BC 44173.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima ng isang lalaking naglalakad sa lugar dakong alas-5:45 nang madaling-araw at agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang nadiskubre.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang responsable sa krimen at kung ano ang motibo sa brutal na pagpatay sa dalawang biktima. ­(Edwin Balasa)