Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kelot nasawi sa ‘pag-ulan’ ng alak

0 236

Todas ang dalawang lalaki matapos aksidenteng suwagin ng isang delivery truck na puno ng serbesa at umano’y nawalan ng preno sa kahabaan ng San Francisco, Malilipot, Albay, Sabado ng umaga.

Kinilala ng Malilipot Police Station (MPS) ang mga namatay na sina Wilson Brosa, 21, ng Barangay Canaway, driver ng motorsiklo at ang pedestrian na si Dionisio Bilaos, 50, ng Barangay San Jose; parehong residente ng bayan ng Malilipot.

Sa ulat ng Police Regional Office-5 (PRO-5), nangyari ang insidente alas-7:05 kamakalawa ng umaga, kung saan tinatahak ng truck driver na si Armando Azurpado, 61, ang national highway nang mawalan ng preno ang sasakyan.

Dito, sinuwag ng truck ang motorsiklo ni Brosa habang nadamay naman si Bilaos na naglalakad noon sa gilid ng kalsada.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang dalawang biktima ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Agad silang dinala sa pagamutan sa naturang bayan ngunit dead-on-arrival sila dahil sa matinding sugat sa ulo at katawan.

Sumuko naman si Azurpado sa pulisya at ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at nakakulong sa MPS jail.

Samantala, nagkagulo at pinagpiyestahan ng mga kalalakihan sa lugar ang nagkalat na mga beer mula sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.