Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kelot niratrat ng riding-in-tandem sa QC

0 202

Magkasabay na pinagbababaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang dalawang hindi pa kilalang lalaki habang naglalakad sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, Linggo ng gabi.

Inilarawan ang isang biktima na nakasuot ng dark blue t-shirt at maong pants, nasa edad 30-35, may taas na 5’6” at may mga tattoo na `welcome to my life’, `merry face’, tribal at tatlong bituin na may araw sa likuran.

Habang ang ikalawang biktima ay nakasuot naman ng itim na t-shirt at camouflage brown short pants, nasa edad 30-35, taas na 5’6” at may mga tattoo naman ng ‘Quiet Chila’, tribal na may `rosales and tree’, ‘Elehitimo’ at ‘I wish I had an Angel with face of merry and jesus.’

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, bandang alas-6:35 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa kahabaang ng Interior Masaya Street sa Brgy. Gulod.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.