Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kelot tepok sa pulis

0 244

Pumanaw ang dala­wang lalaki na nan­laban umano sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Nueva Ecija, Biyernes ng gabi.

Unang napatay si Francis Liwanag, 37 taong gulang, sa operasyon ng pulis sa Barangay Barrera sa Cabanatuan City.

SM food to go Banner Ad

Nakuha umano sa kanya ang caliber .45 pistol, ilang piraso ng bala, at isang sachet na may shabu.

Kasunod naman na napatay si Reyelito Ramos, 42-anyos, na sinasabing nakipag­barilan sa mga pulis sa Barangay Bantug Hacienda sa Talavera.

Narekober naman umano sa kanya ang caliber .38 revolver at sachet din na may shabu. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.