Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kelot tiklo sa shabu buy-bust

0 108

Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos kumagat sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pangalo, Bohol.

Kinilala ang mga suspek na sina Romel Catubag Gulayan, 40, at Jomar Bernaldez Bongo, 23.

Base sa ulat, nasakote ang dalawang suspek sa Barangay Danao ng naturang bayan matapos pagbentahan ng shabu ang isang awtoridad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasamsam sa dalawa ang isang malaking pakete ng hinihinalang shabu at narekober din ang ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.