Abante Tonite Interactive

2 kelot todas sa Calamba shooting

323

Patay ang isang security guard matapos na ito ay pagbabarilin habang naka-duty sa isang exclusive subdivision sa Calamba City, Laguna kamakalawa.

Batay sa report ng Calamba City Police, nasa front gate ng Riomonte Nuvali sa Brgy. Canlubang ang biktimang si Hilario Talaman, kasama ang isa pang security guard na si Dionicio Andalay, nang biglang dumating ang nakamaskarang suspek, alas-11:00 nang gabi.

Pinaputukan nito ng ang biktima na nagtamo ng mga tama sa katawan.

Agad nasawi ang biktima samantalang agad ding tumakas ang suspek.

Samantala sa Brgy. Real, nakatayo lamang sa harap ng isang tindahan sa gilid ng national highway ang isa namang biktima na kinilalang si Michael Arguilles, nang pagbabarilin ito ng isang hindi nakilalang salarin dakong alas-5:40 nang madaling-araw.

Nagtamo ng dalawang tama sa ulo ang biktima na agad nasawi.

Tumakas naman ang suspek na sumakay sa kanyang motorsiklo na ipinarada hindi kalayuan sa crime scene.

Patuloy pa ang im­bestigasyon ng mga pulis sa dalawang insidente ng pamamaril. (Ronilo Dagos)