Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kelot todas sa pamamaril

0 60

Dedbol ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Batangas City at Lipa City noong Sabado.

Unang napatay ang biktimang si Vicente Navarro, 43-anyos, matapos siyang barilin ng hindi nakilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang tricycle hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Brgy. Lumbang, Lipa City dakong alas-5:20 ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktima matapos magtamo ng mga tama sa katawan samantalang nakatakas naman ang suspek.

Samantala sa Batangas City, nasa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Banaba East ang biktimang si Edmon Roxas, 43, nang dalawang beses siyang barilin sa likod ng hindi nakilalang suspek dakong alas-8:30, kamakalawa ng gabi.

Nakalapit ang suspek nang hindi napapansin at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima na noon ay nakatayo sa kusina ng bahay.

Agad ding tumakas ang salarin samantalang isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.