Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 KFR member humandusay sa engkuwentro

0 377

Patay ang dalawang lalaking miyembro umano ng isang kidnap-for-ransom (KFR) group matapos makasagupa ang mga awtoridad sa Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Ronaldo Lumactod, hepe ng anti-kidnapping group public information office, may mga asset sila na nag-tip na may transaksiyon sa droga ang dalawang suspek.

Ihahain dapat ang warrant para sa suspek na si Nathaniel James Recto nang makatunog ito.

Sumakay agad ng motor si Recto at kasamang lalaki saka tumakas na sinundan ng mga tauhan ng PNP-AKG pero pinaputukan sila ng mga suspek. Napatay ang dalawa sa madilim na bahagi ng Gulod Malaya. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.