Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 killer ng Kano nasakote

0 109

Hindi nakawala sa kamay ng batas ang 2 suspek sa pagpatay sa Amerikano sa Olongapo City, nang tugisin sila ng mga awtoridad.

Kinilala ang mga ito na sina Ruperto Aller Jr., at Kenneth Busa na sangkot sa karumal-dumal na pagpatay kay David Michael Light, 75, na mag-isang naninirahan sa kanyang bahay na inuupahan sa Palenzuela Street, Baloy Beach Brgy. Barretto.

Nitong Setyembre 6 alas-2:30 ng madaling-araw, natagpuan ang bangkay ng dayuhan sa nasabing lugar na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, natunton ang dalawang suspek sa bayan ng Bagac, Bataan at sa pag-amin ng nga mga ito nag-ugat diumano ang krimen dahil sa pakikipagtalo nila kay Light patungkol sa kakulangang bayad para sa kanila, kapalit ng pakikipagtalik sa biktima ngunit mariin nilang itinanggi ang pagnanakaw sa bahay ng biktima.

Sa ngayon ay nasampahan na ng kasong murder ang dalawang suspek. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.