Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kinalawit sa P1M droga

0 44

Dalawang katao ang dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Malolos City Police habang umabot sa P1 milyong halaga ng party drugs at shabu ang umano’y nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan nitong Lunes.

Kinilala ng Bulacan PNP ang naarestong sina Alejandro Paloma alyas Negro ng Brgy. Sto. Nino, Plaridel, umano’y drug dealer; at Maria Isabel Lim, 29-anyos, dalaga, ng Villa Katrina Subdivision sakop ng Brgy. Tangos, Baliuag.

Nabatid na alas-2:30 ng hapon nagkasa ng controlled delivery ope­ration ang anti-narco­tic operatives sa Villa Katrina Subdivision at inaresto si Lim na consignee ng party drug na nanggaling sa Nether­lands.

Kabilang sa mga nakumpiska kay Lim ang dalawang transparent plastic pouch na may 100 pink tablet ng ecs­tasy na nagkakahalaga ng P170,000, Samsung cellphone, lisensiya at passport.

Samantala, nakorner ng Malolos PNP-SDEU si Paloma sa buy-bust na ikinasa sa Brgy. Caniogan, Malolos City, alas-745 ng gabi. Nakumpiska sa kanya ang limang pakete ng shabu na 131 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P890,000; at isang pakete ng ‘damo’.

Narekober din sa suspek ang dalawang baril, isang motorsiklo, at cellphone. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.