Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kompanya sa Makati hinahanting ng BIR

0 205

Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dalawang kompanya sa Makati ng tax evasion at hinahabol ang mga ito para magbayad ng nasa P67 milyong buwis.

Ang mga tinutukoy ay ang Green Money Tree Lending Corp., sanglaan at financing company sa The World Centre Bldg. sa Barangay Bel Air, at ang Master Sports Corp. na nagbebenta ng sporting equipment sa BMG Centre sa Paseo de Magallanes.

SM food to go Banner Ad

Nasa P59.8 milyon ang hinahabol ng BIR sa Green Money at kasama sa kaso sina presidente Charles Renzi Ayson at treasurer Anne Marjerrie Domingo. Hindi umano sila nagbayad at nag-remit ng 2020 withholding tax ng sweldo ng mga tauhan, at ng 2019-2020 percentage tax.

Habang P7.2 milyon ang sa Master Sports at kasama sa kinasuhan sina presidente David John Lovell Gopez at treasury manager Maricar Santos. Hindi umano sila nagbayad at nag-remit ng 2016 withholding tax, 2016 expanded withholding tax, at value added tax mula 2016-2019. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.