Abante Tonite Interactive

2 konsehal patay sa ambush

230

Patay ang dalawang konsehal ng barangay matapos silang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Bayawan City, Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang sina Barangay Kalamtukan Kagawad Elipe Condez Jr., 60, at Jonesis Condex, 31, kapwa residente ng nabatid na barangay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-10:30 ng umaga sa Sitio Napao-an, Brgy. Kalunbo­yan Bayawan City habang lulan ng motorsiklo ang mga biktima pauwi na sana sa kanilang barangay.

Pagsapit sa nasabing lugar ay tinabihan sila ng dalawang suspek na lulan ng isang Honda XRM na motorsiklo at malapitang pinagbabaril ng angkas ang dalawang barangay kagawad.

Matapos sumemplang ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima at masigurong patay na ang mga ito ay tumakas na rin ang mga suspek.

Inaalam ngayon ng pulisya ang motibo sa pagpatay. (Edwin Balasa)