Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Koreano, 2 Pinoy magkasabwat: Boga online sale nabuwag

0 231

Dalawang Korean at dalawang Pinoy ang dinakip sa buy bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang mabuking na nagbebenta ang mga ito ng baril online kamakalawa sa Las Pinas City.

Kinilala ang nadakip na sina Han Bao, 26; Hu Zhi, 29, kapwa Korean national; Tomas Adonis, 39; at Patrick Rowan, 36-anyos.

Nag-ugat ang operasyon matapos magsumbong ang isang Chinese national sa CIDG hinggil sa pagbebenta ng baril sa kanya ng mga suspek sa pamamagitan ng online transaction.

Agad namang bumuo ng team ang CIDG-National Capital Region (NCR) at isinagawa ang operasyon kamakalawa sa Emapalico Subdivision sa Las Pinas City.

Nagpanggap na drayber ang isang tauhan ng CIDG-NCR sa Chinese national na binentahan ng mga suspek online at nagtungo sa pinag-usapang lugar bitbit ang buy-bust money.

SM food to go Banner Ad

Nang magkapalitan na ng pera at armas ay saka dinakip ang mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang iba’t ibang baril gaya ng kalibre .45, .38, 5.56, 9 mm, mga magazine at mga bala.

Bukod dito ay nakuha rin sa mga suspek ang isang unit ng skimming device, mga Chinese credit cards, gadgets para sa credit card cloning, blank cloning cards at text blaster.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga suspek sa CIDG-NCR sa Camp Crame at sinampahan na ng kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.