Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Koreano laglag sa pekeng visa, marriage certificate

0 116

Dalawang South Korean national ang pinigilang makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport matapos magkunwaring may asawang Pinay at gumamit ng pekeng visa.

Sa ulat na natanggap ni Immigration commissioner Jaime Morente kay BI Intelligence chief Fortunato Manahan, Jr., ang dalawang Koreano ay sina Kim Jeonseong, 28 at Lee Seohyeon, 24, na dumating sa bansa nitong Nov. 22 lulan ng ASEAN Airlines flight mula sa Inchon, South Korea.

Ayon kay Manahan, ang dalawa ay may hawak na pekeng tourist visas at marriage certificate na iprinesinta para mapaniwala ang immigration officer na kasal ang mga ito sa Pinay, na kaagad namang na-exclude at pinasakay sa ‘first available flight’ pabalik sa kanilang bansa nang bigong makasagot sa ‘basic questions’ ng BI’s travel control and Enforcement Unit.

Ang dalawa ay inilagay na sa ‘immigration blacklist of undesirable aliens.’ (Otto Osorio/Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.