Abante Tonite Interactive

2 korona winalis ng mga Pinoy batter

By
1,288

Kinumpleto ng host Philippines ang golden double sa Pony Asia Pacific Zone Mustang-9 and Mustang-10 Baseball Championships nang idismantel ng Tanauan at Manila Wildcats ang magkahiwalay na karibal via abbreviated, kahapon sa Tanauan City Sports Academy at magmartsa sa World Series.

Pinagbunyi ng home crowd, paspasang dinemolis ng Tanauan ang Indonesians 23-2 upang madaling makipkip ang Mustang 9 division crown habang ginantihan ng Manila ang nagkampeon noong isang taong Indons, 20-1, sa balik-taas ng mga Pinoy sa pagdaraos ng Mustang-10.

Tinuloy ng Tanaueños ang PHL’s winning tradition sa 9-year-old age group para makasulong sa Pony International Mustang-9 World Series sa parating na Hulyo 27-30 sa Walnut, California.

Sa parte ng Manileños, naibigay nito ang pang-anim na korona sa mga Pinoy sa 10-yr. old play at makakopo ng ­ti­cket sa Mustang-10 World Series sa Agosto 3-6 sa Youngsville, Louisiana.

“Both teams showed that we now have deve­loped more pitchers and better hitters,” sabi ni Philippine Tot Baseball Foundation Rodolfo Tingzon, Jr.