Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 kotong cop sa Bulacan kalaboso

0 390

Arestado ang dalawang kotong cops sa loob mismo ng presinto matapos ang isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa Malolos, Bulacan Lunes ng tanghali.

Kinilala ang mga suspek na sina PSMSgt. Vic Godwin Lajom at Patrolman Jay Mark Tuazon, kasama ang dalawa nilang sibilyan na kakuntsaba sa pangongotong na sina Wendell Mendoza at Kenneth Villena.

Napagalaman kay Lee na ang raket ng mga suspek ay ang paghingi ng pera sa mga tricycle driver at iba pang traffic violato na kanilang hinuhuli kapalit ng hindi na sila pagbibigay ng tiket.

Gamit ang isang complainant ay ibinigay nito ang P500 marked money sa mga suspek. Nang tanggapin ang pera ay saka dinampot ng kanilang mga kabaro ang dalawang pulis, nasa loob din ng istasyon sina Mendoza at Villena na middleman umano sa anomalya, kaya dinakip din ng awtoridad.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga dinampot na suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.