Abante Tonite Interactive

2 La Sallista sa party drugs kinasuhan na

357

Isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawang estudyante ng isang kilalang kolehiyo na naaresto at nakum­piskahan ng P1.5 mil­yong halaga ng party drugs sa isang condominium sa Makati City kamakalawa ng umaga.

Alas-dos ng hapon nang isalang sa Makati Prosecutor’s Office ang mga estudyanteng sina ­Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24-anyos, half Japanese, taga-Unit 736 Cityland 9 Dela Rosa Condominium, Dela Rosa St., Barangay Pio Del Pilar, Makati City at si Ralph Jeffrey Esteban, 23, kapwa estudyante ng De La Salle College of St. Benilde, ng BF Homes Almanza, Las Piñas City matapos silang sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, bago isalang sa inquest proceeding ang dalawa ay isina­ilalim muna sila sa medical examination kung saan nadiskubreng may mga pasa sa katawan si Suzuki.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Simon na nang maaresto si Suzuki ay nakitaan na siya ng pasa sa katawan kung saan inamin niyang suma­li siya sa isang fraternity.
Sina Suzuki at Esteban ay estudyante ng De La Salle College of St. Benilde-Manila. Nagbebenta umano ang mga ito ng iligal na droga o ecstasy na kilalang party drugs.

Sinubukan namang kunan ng pahayag ang dalawa subalit tumanggi itong magbigay ng pahayag at maging ang kanilang mga abogado ay hindi nagpa-unlak ng interview.

Ang dalawa ay ­nakakulong ngayon sa Makati City Police matapos silang sampahan ng kaso.

Magugunitang naaresto ang dalawa sa pamamagitan ng sumbong ng isang Grab deli­very driver (Angkas Padala) matapos ipadeliber ni Suzuki ang isang maliit na kahon (package) sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Dahil sa hinala ay nagsumbong ang naturang driver sa pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Nasa P1.5 milyong halaga ng party drugs at shabu ang nakumpiska kay Suzuki. ­(Armida Rico/Shiela Marie Paderan)