Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 laborer minartilyo, kinulong ng pamilya sa Parañaque

0 316

Arestado ang tatlong magkakapamilya at drayber ng mga ito matapos silang ireklamo ng dalawa nilang trabahador dahil sa grabeng pambubugbog at pagkulong sa kanilang bahay sa Paranaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ethan Besas, 49; asawang si Maila Besas, 47; kaanak na si Mariano Ambrose Besas, 23; at ang family stay-in drayber nilang si Michael Auguis, 24, pawang taga-Brgy. BF Homes. 

Sa ulat ng pulisya alas-kwatro Huwebes ng hapon nang magtungo ang mga biktimang sina Venzar Delos Reyes, 22, at Juan Vanguardia, 37, pawang mga laborer sa opisina ng security personnel ng Tahanan Village, Brgy. BF Homes, para ireklamo ang pamilya Besas at driver nito.

Kabilang umano sa pagmamaltratro sa kanila ng pamilya Besas ay nang gulpihin sila, hampasin ng martilyo sa ulo at ibang klase pa ng pananakit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pati ang family drayber na si Auguis ay sinasaktan din umano sila at hindi pa nakuntento ay ikinukulong pa ang mga biktima.

Nakakuha lamang umano ng pagkakataon ang mga biktima na makapuslit sa bahay kaya tumuloy sila sa opisina ng security group ng subdibisyon upang humingi ng tulong.

Himas rehas ang mga suspek sa Parañaque City substation 5 habang inihahanda ang mga kasong physical injuries at illegal detention sa mga ito. (Edwin Balasa) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.