Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 laborer naglako ng shabu kalaboso

0 207

Arestado ang dalawang construction worker matapos mahulihan ng P26,520 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Onse, San Juan City.

Kinilala ni Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan Police ang mga suspek na sina Reynaldo Borjal, 53, at Rodelio Cruz, 55, at kapwa nasa listahan ng unified drugs watch list.

Inaresto ang dalawang suspek alas-7:30 Miyerkules ng gabi sa P.R. Sotto Street ng nasabing barangay nang ikasa ang operasyon matapos ang isang linggong surveillance sa mga suspek kaugnay sa pagtutulak ng droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 3.9 gramo at nagkakahalaga ng P26,520.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.