Abante Tonite Interactive

2 lalaki kinaladkad ng kotse

337

Todas ang dalawang lalaki matapos kaladka­rin ng kotse ang kolong-kolong na kanilang sinasakyan sa Barangay Balintocatok, Santiago City, Isabela noong Martes.

Kinilala ng Santiago City Police Station (SCPS), ang mga biktima na sina Joe Seraboy, 21, binata; at Lorenzo Panag, 24, kapwa taga-Isabela.

Sa imbestigasyon, ayon sa SCPS traffic bureau, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng Brgy. Balintocatok na minamaneho ni Seraboy nang umagaw sa linya ang kotse na minamaneho ni Monolito Madayag, 46, ng nasabing barangay.

Dito, kinaladkad ng kotse ang kolong-kolong ng 35 metro. Ang kolong-kolong ay isang motor na may nakakabit na side car.

Agad na namatay si Seraboy habang ang sakay nitong si Panag ay dead-on-arrival sa pagamutan.

Ginagamot naman sa Southern Isabela Medical Center ang driver ng kotse matapos magtamo ng sugat sa katawan. (Allan Bergonia)