Abante Tonite Interactive

2 Lasalle student, driver patay sa star tollway

1,363

Nasawi ang dalawang senior high school student ng De La Salle Lipa sa Batangas gayundin ang nagmamaneho ng van na ginagamit bilang school service matapos na bumaligtad ang ­sasakyan sa Star Tollway kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga nasa­wing estudyante na sina Maxine Guinevere Vivas at Ma. Kristina Paula Mercurio at ang kanilang driver na si Danny Manalo.

Bukod sa kanila, may 14 na estudyante pa ang nasugatan sa aksidente kabilang din ang dalawang faculty member at magulang ng isa sa mga mag-aaral.

Dakong alas-siyete ng umaga, patungo umano ang van sa Bata­ngas City nang sumabog ang isang gulong nito dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluyang bumaligtad ang sasakyan sa Star Tollway malapit sa Lipa City.

Kaugnay nito, naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng De La Salle Lipa sa naganap na aksidente.

“We are deeply and profoundly saddened to learn, and thus announce, that two of our students, both in Senior High School, have become fatalities in the very unfortunate incidents,” pahayag ng eskuwelahan.

Nagpadala rin umano agad sila ng Emergency Medical Services Team sa pinangyarihan ng sakuna at patuloy din ang pakikipagtulungan ng paaralan sa lokal na pulisya at mga ospital na pinagdalhan sa mga biktima.