Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 layout artist swak sa bakuna card raket

0 217

Imbes na gamitin sa maayos na hanapbuhay, sa pamemeke ng COVID-19 vaccination card umano namihasa ang dalawang naarestong layout artist sa Digos City, Davao del Sur.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya matapos silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa pamemeke ng dalawang hindi pinangalanang babae ng vaccination card.

Nahuli naman ang dalawang suspek na parehong 22 taong gulang sa Estrada St., Brgy. Zone 2, Digos City nitong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mga layout artist umano ang mga suspek.

Nakuha mula sa kanila ang marked money na nagkakahalaga ng P100, dalawang pekeng vaccination card, dalawang kopya ng affidavit of objection on COVID-19 vaccine, at mga equipment na ginagamit nila sa krimen, gaya ng computer set, printer at photo paper.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events sa ilalim ng Public Health Concern Act, pati na rin sa kasong falsification of public documents. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.