Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 lider aktibista dakma sa boga, pampasabog

0 223

Arestado ang dalawang top ranking na aktibista sa Bicol region habang mga baril, bala at pampasabog ang nakuha sa mga ito ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bicol Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Police Brig Gen. Jonnel Estomo, Director ng Bicol PNP, unang nadakip alas-4:30 ng madaling araw si Maria Jesusa Sta. Rosa alyas Sasha Sta. Rosa, 21, tagapagsalita ng Jovenes Anakbayan, ito ay naaresto sa bisa ng search warrant.

Nilusob ang bahay ni Sta. Rosa sa Lot 3, Block 4, Phase 1, Villa Obeido Subd., Brgy Cararayan, Naga City, Camarines Sur at nakumpiska dito ang isang 9mm na baril, magazine at mga bala gayundin ang isang granada, mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device, at mga dokumentong may kinalaman sa CPP-NPA.

Alas-5:30 naman ng umaga nang lusubin ang bahay ni Danilo Banalnal Balucio alyas Pastor Dan, tagapagsalita ng Bayan-Bicol, sa Brgy. San Isidro, Sto. Domingo, Albay.

Nakuha naman kay Balucio ang isang kalibre.45 baril, magazine at bala gayundin ang mga magazine at bala ng M14 rifle at caliber 7.62.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG-Bicol ang mga suspek habang nakatakdang isampa sa korte ang mga kaso laban sa kanila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.