Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 liga bulilyaso sa MECQ

0 48

Nabulilyaso ang pinaplanong pagbabalik ng National Basketball League (NBL) at Women’s National Basketball League (WNBL) dahil sa muling nilagay sa MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) ang Metro Manila.

Nakatakda sanang simulan ang naudlot na dalawang liga sa Setyembre 11 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga, pero napilitan ang mga ito i-postpone muna dahil sa health quarantine restriction.

“As much as the teams and players are very excited to return to the court, the NBL and the WNBL will remain compliant with the government mandate during this pandemic,” saad ni League executive vice president Rhose Montereal.

Nangunguna sa NBL ngayon ang Bulacan DF na may 2-0 habang ang Glutangence Glow Boosters naman ang namamayagpag sa WNBL bago nahinto ang mga laro. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.