Abante Tonite Interactive

2 lineman natusta sa high tension wire

215

Sunog at patay ang dalawang lineman ng Ilocos Norte Electric Coope­rative (INEC) matapos silang makuryente habang kinukumpuni ang high tension wire ng kuryente sa Barangay 12, bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte noong Sabado nang hapon.

Kinilala ng San Nicolas Police Station (SNPS) ang biktimang sina Marcon Domion at Talio Portela, kapwa lineman ng INEC at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa SNPS at sa paglalahad ng mga saksi, nalaman lang nila na may nakuryente nang marinig nilang nahulog ang helmet ng isa sa mga biktima at pagtingala ay nakitang nakasampay na ang dalawang lineman na umuusok pa.

Nangyari ang insidente alas-5:45 nang hapon habang inaayos ng dalawang biktima ang high-voltage na linya ng INEC na walang electric current ngunit bigla itong nagkaroon ng kuryente.

Agad na isinugod sa ospital ang dalawa ngunit sila ay dead-on-arrival dahil sa matinding sunog sa kanilang katawan.

Nangako naman ang pamunuan ng INEC na iimbestigahan ang insidente. Hindi rin umano nila pababayaan ang pamil­yang iniwan ng mga biktima. (Allan Bergonia)