Abante Tonite Interactive

2 linggo lang sa Singapore ‘di na marunong magtagalog

449

Tawagin na lang ninyo ako sa alyas na ­Pinoy Ako!

Nag-decide din akong i-blind item ang kapitbahay ko dahil sa sobra niyang arte at over acting.

Itago na lang natin siya sa alyas na Miss OA.

Nasa mid-30s lang si Miss OA. Saleslady siya dati sa Baclaran pero nang may maakit siyang ­foreigner ay nag-chat na sila.

Dahil dolyares ang pera ng foreigner na iyon na isa palang ­Singaporean ay dyinowa-dyowa na siya ni Miss OA.

At noong nakaraang buwan ay nagpunta si Miss OA sa Singapore at magkikita daw sila ng dyowa niya.

Bago siya nag-Singapore ay kuwento to the max ang babaita. Ke­syo baliw na baliw daw sa kanya ang foreigner na iyon.

Pag-uwi niya dito sa `Pinas galing Singapore, kung umakting ang babaita akala mo ay ­f­­o­­r­­­­eigner na.

Panay ang aura. Di na raw siya sanay sa init dito sa atin at ang ma­lupet, kung magsalita ay ingles-inglesan na. Parang nakalimutan na raw niya ang ibang lengguwaheng Pinoy!? ­Bongga di ba?

At sino naman ang maniniwala sa kanya eh dalawang linggo lang siya sa Singapore.

Hindi lang siya OA kundi napaka-ipokrita pa.

Pigil na pigil lang ako pero sa loob-loob ko’y napatay ko na siya sa mura.
Pinoy Ako ng Pasay City

Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakaka­asar o kapana-pana­bik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.