Abante Tonite Interactive

2 loan collector tinodas ng holdaper

293

Patay ang dalawang kolektor ng isang micro financing matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga holdaper at tangayin ang perang kanilang nakolekta kamakalawa nang hapon sa Alicia, Zamboanga Sibugay.

Dead on-the-spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang nakilalang sina Philip Jhon Pontijon, 29, at Nur Akram Sajili, 24, pawang mga empleyado ng ASA Foundation Micro Financing.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-3:25 nang hapon sa kahabaan ng Brgy. Road sakop ng Brgy. Sto. Niño ng nasabing bayan nang holdapin sila ng dalawang armadong suspek na lulan ng motorsiklo.

Nauna dito, galing sa pangongolekta ng pautang ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na dinampot ng isa sa mga suspek ang bag na nagla­laman ng hindi pa batid na halaga na koleksyon. (Edwin Balasa)